nakita mo na yung taong gusto mong makasama habang-buhay. yung taong kasama mo hanggang tumanda kayo. yung taong sabay niyong bubuuin yung mga pangarap niyo. yung aalagaan mo sa bawat araw ng buhay mo, yung taong pagsisilbihan mo araw-araw, yung taong una mong makikita pagkagising at yung huli mong makikita bago ka matulog, yung taong kasama mong bubuuin yung magiging pamilya niyo, yung taong isasayaw mo pa rin kahit nirarayuma ka na. yung taong ipagluluto mo at makakasabay mo sa pagkain sa bawat araw ng buhay niyo. yung taong liligawan mo pa rin araw-araw kahit ikasal na kayo. at yung taong alam mong siya na yung forever mo, at yung taong mamahalin mo sa bawat segundo ng bawat minuto sa bawat oras ng bawat araw ng bawat buwan sa bawat taon ng buhay mo hanggang mamatay ka na.
pero ewan ko, sana lang ako na talaga yung taong gusto niya makasama habang-buhay.
at tungkol lang din naman sa buhay ko ‘tong blog na ‘to. so yan, pictures ng buhay ko. :)
Theme by Makemestfu Powered by Tumblr





